Thursday, September 4, 2008

Smart Bro Sa Wakas!

Yes, Yes, Yes! :) Nakabitan na pala ako kahapon nang internet connection from Smart. Yung PhP 999 Smart Bro nila. Sobrang saya dahil wala pang isang oras ng application ko eh tinawag na ako ng Smart customer care center sa manila at vineverify kung available ako for installation yun ding araw na yon! :O Natuwa naman ako dahi sa wakas eh meron narin akong connection dito sa bagong apartment namin. 

Pagkatapos nang isang oras, andito na ang mga installer. After 45 minutes, ok na ang connection ko. Connected na hehehe at maganda ang signal. Malapit lang pala kasi ang tower dito sa amin ng Smart kaya maganda ang signal ko. Ang di nga lang maganda daw eh kapag kumikidlat, dapat kong tanggalin ang cable para daw hindi masira ang LAN Card nang PC ko kung sakaling tamaan man ito nang di inaasahan. 

Pambihira ang serbisyo nang Smart: from customer service, installers at mga staff nila sa offices nila. Although me kabagalan nga lang sa bandang Nepo Mall branch sa Angeles unlike sa SM Clark office nila. Pero di hamak na magaling at masigasig sila kumpara sa ibang mga offices nang internet providers dito sa amin.  

Marami kasi sa mga businesses na nagiging asensado eh nakakalimutan nilang ang mga subscribers ang dugo nang kanilang organisasyon. When you pissed them off, bilang na ang araw mo. Ang mga economists na mismo ang nagsasabi na kapag nawalan na nang tiwala ang mga cliente sayo, isa-isa silang lilipat. Isa rin akong customer service rep na ang account ay isang malaking internet service provider sa America dati. Nakita ko paano ito umusbong at paano rin ito bumagsak. Kung kulang ka sa direksyon at wala kang konsiderasyon sa mga long-time customers mo, siguradong babagsak ka...

Sana tuloy-tuloy na ang ginagawang magandang halimbawa nang Smart Communications sa Smart Bro nila. :) Smart Comm mabuhay kayo! (sana meron akong 1 free month hehehe)...

Sunday, August 31, 2008

ComClark Cable Internet Nightmare

Ang tagal-tagal ko naring di nakapag blog. Matagal-tagal narin kasi akong walang internet lalo pa at kalilipat lang namin ng bahay. Sa wakas at natapos ko narin ang dalawang taong paghihirap ko sa Comclark Cable Internet ko.

Two weeks ago, pina-disconnect ko na kasi nag two years na ako nung buwan nang Agosto. Di ko alam kung bakit pero ang bagal-bagal talaga nang connection ko sa dating lugar namin. Atsaka di ko narin maatim ang di magandang patakaran nang kumpanyang yan. Dati kasi nung halos mag iisang taon palang ata ako sa Comclark eh nawalan ako ng internet connection. Halos isang buwan din yun. Dahil sa sobrang busy ko, di ko na halos mabigyan nang pansin pero lagi naman akong nagpupunta sa office nila sa SM Clark (Tech Access) at sinabihan sila tungkol sa sitwasyon ko.

Halos lumabas ang ngala-ngala ko dahil nung kinausap ko sila eh sila pa tong matatapang! Sana lang kostumer ako no! Napagalaman kong ang cable modem ko daw ang problema. Malay ko pa kung yun nga ang dahilan. Sabi ko naman eh bakit hindi nila palitan ang cable modem dahil di ko naman kasalanan kung bakit nasira yon. Sabi nila, 6 months warranty lang daw yung mga modem na yun (mind you, refurbished ang mga modem nila galing sa ibang bansa dahil merong Time Warner Cable na sticker pa sila).

Ang matindi pa, pinababayad nila sakin ang replacement na modem at ang di ko pagbayad nang isng buwan dahil ko nga magamit ang internet dahil sira ang modem at wala akong connection! San kapa! So sabi ko, kung hindi nila i cancel ang subscription ko, ihinto man lang nila ang pag aacrue ko nang charges dahil nga di ko magamit. Atsaka hindi biro ng PhP 1,500.00 na modem (refurbished ulit) na ipapalit nila sa nasira kong modem. Sa sobrang galit ko tumalak ako nang tumalak sa office! At dahil call center agent ang lolo nyo, nag ingles-inglesan ako (kahit mali-mali hehehe!) Ayun, halus maluha-luha yung customer service rep sa lobby at sabi pa, " sir, kung galit kayo, wag nyo namang ibuntong sakin" (nanlaki ang mga mata at namula na para bang iiyak!)

Natakot naman ako. Kasabay non kinausap ako nung parang isang customer service rep na parang manager nila. Humingi na sya nang paumanhin sakin at nangakong papalitan ang modem nang libre pero bayaran ko nalang ang unsettled fees ko na mahigit isang buwan daw. Paano ka naman gaganahang bayaran eh laging down tapos di ko nga magamit!

Makaraan ang mahigit sa isang taon at eto ako nag ca cancel na. Kasi nga lilipat na kami nang tirahan. Pero bago yun, nag apply na ako sa Smart. Kaso nung tinatry na nilang kumuha nang signal, bigo sila. Wala daw talagang signal. :( Bigo na naman ako sa mga plano ko. So nagpatuloy parin ako sa Comclark. Pero ngayon umalis na kami at di ko madala ang internet cable ko, kailangan ko nang ipa disconnect. Pero dati pa, nung nasa apartment palang ako, nag pa kabit na ako nang connection. Ang reconnection fee nila nung lumipat ako eh 1,500. Sobrang mahal.

Iba talagang humatak tong Comclark. Mahirap talaga kapag monopolisado mo ang isang producto. Buti nalang at unti-unti nang dumarami ang mga internet providers sa siyudad namin. Maganda talaga ang kumpetisyon. Magandang naibibigay na maganda sa mga consumers.

Ituloy pa natin ang pakikipag sapalaran ko sa Comclark. Pumunta pala ako kamakailan lang sa oficina nila at sinabing magpapa disconnect na ako dahil nga sa lumipat na kami nang bahay. Mabait naman yung customer rep kaso mabagal ang processo nila. Kung ano-ano pa ang pinapa pirma. Di kamukha sa Smart, mabilis. Wala tlaga akong masabi sa Smart Bro pagdating sa customer service.

Makaraan ang halos 20 minutos pinapirma na ako sa isang animoy voucher. Pagkatapos sinabihan ako kung pano kukunin yung natitirang deposit fee ko na pwede kong i reimburse. Sabi na ba naman eh after 3 weeks pa ata at pwede ko na syang kunin by September 12/13 daw between 2PM and 5PM. Nagreklamo na naman ako. Sabi ko, "bakit naman ganon katagal at bakit ganon lang ang oras na pwedeng kunin? Di nyo ba alam na meron ding trabaho ang mga nag sasubcribe sa inyo?" Sumagot naman yung rep at paliwanag naman nya eh ganung oras lang daw oras available ang humahawak ng mga cheque sa office nila at pwede naman daw ipakuha sa iba ang cheque basta gumawa lang daw ako nang authorization letter na dun ko sa taong yon pinapakuha ang cheque ko. At talagang dapat ko pang guluhin ang ibang tao no? At dagdag pa nya, na every Friday ko lang daw pwedeng kunin at kung di ko makuha nang ganong oras at araw ay sa susunod na Viernes ko na pwedeng kunin ulit. At kung sa loob nang isang buwan hanggang August 12 ay di ko pa nakuha, forfeited na! Punye*&W&^$&* nila! Mukhang kwarta talaga ang kumpanyang yan! Nakakainis diba! Palagay ba nila eh pagpasyal lang sa mall ang ginagwa ko sa buong magdamag! Walang flexibility ang mga utak nang mga tinamaan nang lintek! Sa pagtrato nila sa mga customers nila eh talagang isang araw eh baka magising sila na naubos na ang mga subscribers nila! Hintayin nilang lumawig ang connection nang Smart, Globe at PLDT sa lugar namin at talagang mauubusan sila nang customers!

Hay naku. Lumapot na naman ang dugo ko sa mga nakakainis na mga kumpanyang walang pakialam sa mga consumers nila. Bakit kailangang pahirapan ang consumers kung me mga paraan naman na mapapabilis ang proseso di ba? Maraming mga sangay din nang gobyerno natin ang sobrang tagal mag process nang mga papeles. Kamukha nang SSS. Nag loan kana, tutubuan kapa nang 11% per annum. Tapos napaka taas nang bilihin at pasahe tapos eto ka ang baba nang sweldo mo. Ang mga employers kaya ang paswelduhan natin nang 200 kada araw? Sasaya kaya sila?

Ang daming mga di makatarungang tao sa mundo no? Kelan kaya sila mauubos. Dumarami pa. Mga taong api at salat sa ginahawa, tayo na't magsama-sama! Bumo na tayo ng unyon! Ngek hehehe. Joke lang. =D Feeling ko na stress ako sa post na to hehehe. Magandang araw. :)

Sunday, August 10, 2008

Mga Disgrasya

Minsan ang disgrasya nga naman di mo maiiwasan. Kamukha nang isang ito. Na send lang sakin nung minsan. Natakot ako. Minsan kahit anong ingat mo ata sa katawan mo eh kapag tinamaan ka ng malas wala kang magagawa. Tulad na lamang nang isang ito...

Totoo bang meron kanya-kanyang oras ang tao? Na kung hanggang "dyan" ka nalang eh hanggang "doon" ka nalang talaga? Me kanya-kanya ba talaga tayong tadhana o tayo lang ang gumagawa noon? Ang hirap no?

Wednesday, August 6, 2008

Ipasipsip Mo!

Sa Senado nagiging usap-usapan na ang mga malalaswa raw na mga billboards na nagkalat sa daan. Mga billboards na nagpapakita nang halos maseselang bahagi ng katawan ng tao lalo na kung ang mga produkto eh natutungkol sa saplot panloob.

Pero ito, kakaiba. Hindi productong pangkatawan pero natawa ako nang makita ko sa jeep. Kinuhanan ko ng litrato para makita rin ninyo. Parang malaswang pakinggan pero totoong ito naman talaga ang ginagawa nang mga ito...


Tuesday, August 5, 2008

Kung Me Problema Ka, Solusyonan Mo!

Pumunta pala ako sa ospital kanina. Pinatingin ko na ang namamaga kong mga tonsils baka kasi napano na ako dahil sobrang sakit na talaga sila. So mega rampa ang lolo nyo sa ospital. Pagdating ko sa ospital, nagpag lista na ako sa isang staff sa HMO sa Angeles University Foundation (AUF) para magpakonsulta sa isang espesyalista nila para matingnan na ang aking lalamunan. "Wala pa ang doctora," sabi nung isang staff na halos malaglag na sa lupa ang baba nya sa sobrang simangot. Naghintay ako. Di ako nakatiis, kumain muna ako sa McDonalds habang hinihintay ang doctora.

julio@rumpa by Dylan

Makaraan ang 30 minuto, bumalik ako. Sabi nung nurse parating na raw ang doctora. Natuwa naman ako dahil makakauwi ako agad. Pagdating nang doctora, me pinauna muna. Pinabayaan ko. Makailang sandali pa, ako na. Pagkaupong pagkaupo ko palang, binuka ko na ang bibig ko. "Di ka naman masyadong excited no?" sabi nang doctora. "Ay sorry po. Kala ko po kasi ipapasok nyo na yang parang lighter na yan sa bibig ko. Tinetesting nyo lang pala hehe", sabay lusot. Parang naangasan ako pero sige lang. Pinabayaan ko.

Tanong sya nang tanong. Sagot naman ako ng sagot. Kinuwento ko nalang kung kelan ko pa naramdaman ang sakit nang aking lalamunan. Sabi ko, noon pang Huwebes nang gabi. Tapos examen sya nang examen sa aking likod. Ok naman daw ako so far ang kaso nga lang namamaga talaga ang aking lalamunan at me nakita na syang infections kaya kailangan ko nang mag antibiotic.

Nakiusap akong pagpahingahin muna ako kahit na 2 days lang. Ang sabi ba naman, "You look healthy naman so bakit kailangan pa nang dalawang araw? 1 is ok but 2 days is too much". Gusto kong himatayin sa pagka prangka nang lola nyo! Gusto kong isaksak ang mata nya sa lalamunan ko para makita at maramdaman nya kung gaano kasakit magkaroon nang tonsilitis! Pero kahit ganon pa man eh pinabayaan ko lang. Baka kako magbago nang isip. Mega paliwanang ako pero ayaw talagang mag give in. Sabi ko, "Ok lang doc. Ok na ang 1 day".

Nagtanong pa ako, "doc, di ako makatulog ng maayos for the past few days. Ano kaya ang mga pwede nyong ipayo saken? Like yung pwedeng inumin na gamot?" Sumagot sya, "ano ba ang mga stressors mo? Me problema ka sa pera, sa girlfriend (so dapat magmura tayo ganon?!), pamilya, trabaho, ano? Maraming mga reasons bakit di ka makatulog. Gusto mo nang gamot sa di mo pagtulog? Solusyonan mo."

Halos mangisay ako sa banat na naman nya! So dapat alam pa nya sakin no! "Kung iniisip mo naman na bibigyan kita nang pampatulog eh, hindi mangyayari yon. Sa mga pasyente namin, di namin inaadvise na uminom sila nang pampatulog. Mas mahihirapan ka." Kung meron kang problema sa pera, mag trabaho ka. Kung meron kang problema sa lovelife, maghanap ka. Yun lang naman ang solusyon dyan para makatulog ka nang maayos." Halos mangisay na ako sa banat nya ng mga litanya nya.

Pero naisip ko, meron din syang punto sa mga sinabi nya. Minsan dumedepende tayo sa mga gamot pero hindi naman sila umeepekto dahil wala naman talaga tayong nararamdaman sa katawan, kundi pawang mga sikolohikal na karamdaman lamang. Mind over matter ika nga. The more we think na meron tayong sakit, doon natin sila nararamdaman. Kamukha nalang nang diko pagkatulog nang maayos. Marami akong iniisip. Marami akong takot na di ko maalis-alis na nagiging dahilan para di ako makatulog nang maayos.

Pero buti naman at kahit paano ay natauhan ako sa sinabi nang doctorang yon. Sa totoo lang, minsan dapat ka lang maging bukas sa mga sinasabi nang iba para matuto ka. Kung pananatilihin nating sarado ang isipan sa kung ano ang pananaw nang iba, hindi tayo kailanman magiging matagumpay sa mga bagay na gusto nating gawin at mangyari...