Thursday, September 4, 2008
Smart Bro Sa Wakas!
Sunday, August 31, 2008
ComClark Cable Internet Nightmare
Two weeks ago, pina-disconnect ko na kasi nag two years na ako nung buwan nang Agosto. Di ko alam kung bakit pero ang bagal-bagal talaga nang connection ko sa dating lugar namin. Atsaka di ko narin maatim ang di magandang patakaran nang kumpanyang yan. Dati kasi nung halos mag iisang taon palang ata ako sa Comclark eh nawalan ako ng internet connection. Halos isang buwan din yun. Dahil sa sobrang busy ko, di ko na halos mabigyan nang pansin pero lagi naman akong nagpupunta sa office nila sa SM Clark (Tech Access) at sinabihan sila tungkol sa sitwasyon ko.
Halos lumabas ang ngala-ngala ko dahil nung kinausap ko sila eh sila pa tong matatapang! Sana lang kostumer ako no! Napagalaman kong ang cable modem ko daw ang problema. Malay ko pa kung yun nga ang dahilan. Sabi ko naman eh bakit hindi nila palitan ang cable modem dahil di ko naman kasalanan kung bakit nasira yon. Sabi nila, 6 months warranty lang daw yung mga modem na yun (mind you, refurbished ang mga modem nila galing sa ibang bansa dahil merong Time Warner Cable na sticker pa sila).
Ang matindi pa, pinababayad nila sakin ang replacement na modem at ang di ko pagbayad nang isng buwan dahil ko nga magamit ang internet dahil sira ang modem at wala akong connection! San kapa! So sabi ko, kung hindi nila i cancel ang subscription ko, ihinto man lang nila ang pag aacrue ko nang charges dahil nga di ko magamit. Atsaka hindi biro ng PhP 1,500.00 na modem (refurbished ulit) na ipapalit nila sa nasira kong modem. Sa sobrang galit ko tumalak ako nang tumalak sa office! At dahil call center agent ang lolo nyo, nag ingles-inglesan ako (kahit mali-mali hehehe!) Ayun, halus maluha-luha yung customer service rep sa lobby at sabi pa, " sir, kung galit kayo, wag nyo namang ibuntong sakin" (nanlaki ang mga mata at namula na para bang iiyak!)
Natakot naman ako. Kasabay non kinausap ako nung parang isang customer service rep na parang manager nila. Humingi na sya nang paumanhin sakin at nangakong papalitan ang modem nang libre pero bayaran ko nalang ang unsettled fees ko na mahigit isang buwan daw. Paano ka naman gaganahang bayaran eh laging down tapos di ko nga magamit!
Makaraan ang mahigit sa isang taon at eto ako nag ca cancel na. Kasi nga lilipat na kami nang tirahan. Pero bago yun, nag apply na ako sa Smart. Kaso nung tinatry na nilang kumuha nang signal, bigo sila. Wala daw talagang signal. :( Bigo na naman ako sa mga plano ko. So nagpatuloy parin ako sa Comclark. Pero ngayon umalis na kami at di ko madala ang internet cable ko, kailangan ko nang ipa disconnect. Pero dati pa, nung nasa apartment palang ako, nag pa kabit na ako nang connection. Ang reconnection fee nila nung lumipat ako eh 1,500. Sobrang mahal.
Iba talagang humatak tong Comclark. Mahirap talaga kapag monopolisado mo ang isang producto. Buti nalang at unti-unti nang dumarami ang mga internet providers sa siyudad namin. Maganda talaga ang kumpetisyon. Magandang naibibigay na maganda sa mga consumers.
Ituloy pa natin ang pakikipag sapalaran ko sa Comclark. Pumunta pala ako kamakailan lang sa oficina nila at sinabing magpapa disconnect na ako dahil nga sa lumipat na kami nang bahay. Mabait naman yung customer rep kaso mabagal ang processo nila. Kung ano-ano pa ang pinapa pirma. Di kamukha sa Smart, mabilis. Wala tlaga akong masabi sa Smart Bro pagdating sa customer service.
Makaraan ang halos 20 minutos pinapirma na ako sa isang animoy voucher. Pagkatapos sinabihan ako kung pano kukunin yung natitirang deposit fee ko na pwede kong i reimburse. Sabi na ba naman eh after 3 weeks pa ata at pwede ko na syang kunin by September 12/13 daw between 2PM and 5PM. Nagreklamo na naman ako. Sabi ko, "bakit naman ganon katagal at bakit ganon lang ang oras na pwedeng kunin? Di nyo ba alam na meron ding trabaho ang mga nag sasubcribe sa inyo?" Sumagot naman yung rep at paliwanag naman nya eh ganung oras lang daw oras available ang humahawak ng mga cheque sa office nila at pwede naman daw ipakuha sa iba ang cheque basta gumawa lang daw ako nang authorization letter na dun ko sa taong yon pinapakuha ang cheque ko. At talagang dapat ko pang guluhin ang ibang tao no? At dagdag pa nya, na every Friday ko lang daw pwedeng kunin at kung di ko makuha nang ganong oras at araw ay sa susunod na Viernes ko na pwedeng kunin ulit. At kung sa loob nang isang buwan hanggang August 12 ay di ko pa nakuha, forfeited na! Punye*&W&^$&* nila! Mukhang kwarta talaga ang kumpanyang yan! Nakakainis diba! Palagay ba nila eh pagpasyal lang sa mall ang ginagwa ko sa buong magdamag! Walang flexibility ang mga utak nang mga tinamaan nang lintek! Sa pagtrato nila sa mga customers nila eh talagang isang araw eh baka magising sila na naubos na ang mga subscribers nila! Hintayin nilang lumawig ang connection nang Smart, Globe at PLDT sa lugar namin at talagang mauubusan sila nang customers!
Hay naku. Lumapot na naman ang dugo ko sa mga nakakainis na mga kumpanyang walang pakialam sa mga consumers nila. Bakit kailangang pahirapan ang consumers kung me mga paraan naman na mapapabilis ang proseso di ba? Maraming mga sangay din nang gobyerno natin ang sobrang tagal mag process nang mga papeles. Kamukha nang SSS. Nag loan kana, tutubuan kapa nang 11% per annum. Tapos napaka taas nang bilihin at pasahe tapos eto ka ang baba nang sweldo mo. Ang mga employers kaya ang paswelduhan natin nang 200 kada araw? Sasaya kaya sila?
Ang daming mga di makatarungang tao sa mundo no? Kelan kaya sila mauubos. Dumarami pa. Mga taong api at salat sa ginahawa, tayo na't magsama-sama! Bumo na tayo ng unyon! Ngek hehehe. Joke lang. =D Feeling ko na stress ako sa post na to hehehe. Magandang araw. :)
Sunday, August 10, 2008
Mga Disgrasya
Totoo bang meron kanya-kanyang oras ang tao? Na kung hanggang "dyan" ka nalang eh hanggang "doon" ka nalang talaga? Me kanya-kanya ba talaga tayong tadhana o tayo lang ang gumagawa noon? Ang hirap no?
Wednesday, August 6, 2008
Ipasipsip Mo!
Tuesday, August 5, 2008
Kung Me Problema Ka, Solusyonan Mo!
Makaraan ang 30 minuto, bumalik ako. Sabi nung nurse parating na raw ang doctora. Natuwa naman ako dahil makakauwi ako agad. Pagdating nang doctora, me pinauna muna. Pinabayaan ko. Makailang sandali pa, ako na. Pagkaupong pagkaupo ko palang, binuka ko na ang bibig ko. "Di ka naman masyadong excited no?" sabi nang doctora. "Ay sorry po. Kala ko po kasi ipapasok nyo na yang parang lighter na yan sa bibig ko. Tinetesting nyo lang pala hehe", sabay lusot. Parang naangasan ako pero sige lang. Pinabayaan ko.
Tanong sya nang tanong. Sagot naman ako ng sagot. Kinuwento ko nalang kung kelan ko pa naramdaman ang sakit nang aking lalamunan. Sabi ko, noon pang Huwebes nang gabi. Tapos examen sya nang examen sa aking likod. Ok naman daw ako so far ang kaso nga lang namamaga talaga ang aking lalamunan at me nakita na syang infections kaya kailangan ko nang mag antibiotic.
Nakiusap akong pagpahingahin muna ako kahit na 2 days lang. Ang sabi ba naman, "You look healthy naman so bakit kailangan pa nang dalawang araw? 1 is ok but 2 days is too much". Gusto kong himatayin sa pagka prangka nang lola nyo! Gusto kong isaksak ang mata nya sa lalamunan ko para makita at maramdaman nya kung gaano kasakit magkaroon nang tonsilitis! Pero kahit ganon pa man eh pinabayaan ko lang. Baka kako magbago nang isip. Mega paliwanang ako pero ayaw talagang mag give in. Sabi ko, "Ok lang doc. Ok na ang 1 day".
Nagtanong pa ako, "doc, di ako makatulog ng maayos for the past few days. Ano kaya ang mga pwede nyong ipayo saken? Like yung pwedeng inumin na gamot?" Sumagot sya, "ano ba ang mga stressors mo? Me problema ka sa pera, sa girlfriend (so dapat magmura tayo ganon?!), pamilya, trabaho, ano? Maraming mga reasons bakit di ka makatulog. Gusto mo nang gamot sa di mo pagtulog? Solusyonan mo."
Halos mangisay ako sa banat na naman nya! So dapat alam pa nya sakin no! "Kung iniisip mo naman na bibigyan kita nang pampatulog eh, hindi mangyayari yon. Sa mga pasyente namin, di namin inaadvise na uminom sila nang pampatulog. Mas mahihirapan ka." Kung meron kang problema sa pera, mag trabaho ka. Kung meron kang problema sa lovelife, maghanap ka. Yun lang naman ang solusyon dyan para makatulog ka nang maayos." Halos mangisay na ako sa banat nya ng mga litanya nya.
Pero naisip ko, meron din syang punto sa mga sinabi nya. Minsan dumedepende tayo sa mga gamot pero hindi naman sila umeepekto dahil wala naman talaga tayong nararamdaman sa katawan, kundi pawang mga sikolohikal na karamdaman lamang. Mind over matter ika nga. The more we think na meron tayong sakit, doon natin sila nararamdaman. Kamukha nalang nang diko pagkatulog nang maayos. Marami akong iniisip. Marami akong takot na di ko maalis-alis na nagiging dahilan para di ako makatulog nang maayos.
Pero buti naman at kahit paano ay natauhan ako sa sinabi nang doctorang yon. Sa totoo lang, minsan dapat ka lang maging bukas sa mga sinasabi nang iba para matuto ka. Kung pananatilihin nating sarado ang isipan sa kung ano ang pananaw nang iba, hindi tayo kailanman magiging matagumpay sa mga bagay na gusto nating gawin at mangyari...
Monday, August 4, 2008
Isep-Isep nang Malalim
Nawawalan narin kasi ako ng gana sa trabaho. Ewan ko ba. Siguro naaapektuhan narin ako ng mga taong nag reresign sa work. Masisisi ba nila ako kung nawawalan narin ako ng gana? Ang dami kasing mga bagay-bagay na nangyayari sa work na nakakawalang gana. Yun para bang ang mga taong nasa posisyon nalang ang mga masasaya. Pano naman ang mga pagod na frontliners na kamukha namin? Ganun talaga siguro ang mundo. Apakan nalang ang nangyayari.
Habang sinusulat ko ito, maga ang mga tonsils ko. Nung Sabado nga halos di na ako makapagsalita sa sakit. Hindi rin ako sigurado kung makakapasok ako mamayang gabi. Pero iisipin ko nalang na maliit lang makukuha ko sa susunod na kinsenas para ma motivate akong pumasok hehehe.
Kapag nasa telefono ako, ginagawa ko lahat ang kaya ko para hindi maapektuhan nang mga taong tumatawag. Kahit murahin ako ng murahin sa telefono, ok lang. :) Hindi naman nila ako nakikita eh, so ok lang din. Pero me mga pagkakataon talaga na di mo maiwasan na sumagot narin ng pabalang.
Me tumawag. Nagtanong agad. Sabi, "Angel! (Pangalan ko sa Telefono, naks!), where are you located?!". Hala, away ito. Sabi ko naman, "Sir, I am located here in the Philippines. But how can I help you?" sabi ko. Sagot ba naman sakin ng walanghiya, "What are you doing in an American Company!!!" Halos mahilo ako sa sagot ng hudas na matandang yon! Ayun, sunod-sunod na ang litanya ng lolo mo! Hindi ako makasingit! Pinabayaan ko nalang syang dumaldal nang dumaldal. Sige, ako pakinig nalang nang pakinig sa mga reklamo nya sa buhay...
Nang hindi na nya ako marining (kasi naka mute ako at pinikit ng konti ang aking mga mata hehe, matulog ba lol) nagtanong na naman ang lolo mo, "Angel, are you stil there?!""Yes, Sir,"sagot ko. "Then why are you not speaking! How many people are working there in your company?! What kind of food you people eat there in the Philippines?! What kind of environment do you have there in your country?! Do you know what's happening to America?!, "lintya ulit ng lolo nyo.
Nagpanting ang tenga ko, "Sir, I am trained to discuss issues with your billing. I wasn't speaking because I was listening to your angst and I must say that I do not appreciate your arrogance!," sabat ko. "Oh, really?! You don't appreciate it?!", "Yes!", sabay taas narin ng boses.
Nagtuloy-tuloy parin ang lolo mo sa pagkukutya sa lahi naten so pinabayaan ko lang sya hanggat sa nag hung up nalang ang bwisit! Pagkatapos non, ginawa ko namang shock-absorber ang mga kasama ko at ako naman ang kumatak nang kumatak (eh di nakabawi ako hehe). Bwisit kasi ang mga ibang lahi eh. Ano ba ang problema kung ibang lahi ang tumutulong at sumasagot sa mga calls nila? Eh sila itong ayaw nang ganitong trabaho, tapos ngayun tayo ang nag tatrabaho nagrereklamo sila? Nakakabwisit diba?
Kapag naaalala ko ang ma ganyang mga tawag eh sumasakit tuloy ulo ko. Bakit kasi me mga tao na hindi nila nirerespeto ang diversidad, ang pagkakaiba-iba nang tao. Doon lang naman tayo natututo eh. Akala ba nang mga banyagang yan eh magsusurvive sila kung wala ang mga karatig bansa nila?
Gayunpaman, kakaunti lang naman ang mga banyagang ganon (kaunti daw), at halos mga kulang sa edukasyon lang ang mga taong nagwawala nang ganon. Na realize ko na kahit nagsasalita ka lang at sumasagot sa telefono, napakahirap palang trabaho. Dapat mong i adjust ang personalidad mo para maiangkop sa personalidad nang taong tumatawag.
Dumarami na talaga ang mga call centers dito sa pinas. Ang pangit nga lang, underpaid halos ang mga tao dito kaya naiisipan naring mangibang bansa. Parehong trabaho, magandang kita. Ewan ko...Pera lang ba ang dahilan kung bakit tayo mangingibang bansa? Sa palagay ko, baka magiging isa narin ako sa mga taong malapit nang maniwala sa ganong idolohiya...
Sunday, August 3, 2008
Ulit-ulit na Tema
Nanood pala ako ng The Mummy: The Tomb of the Dragon Emperor. Feeling ko hindi sulit ang binayad ko. Binalak kong panoorin nga ung pelikula kaya nung nagyaya narin si Hannah at Dylan, sumama narin ako. :) (nagpapapilit ba hehe). At kanina nga, kasama ko sila na nanood ng sine. Noong una ok pa, pero parang pangit ang plot. Di ko masyado nagustuhan. Ok naman ang effect pero pangit talaga ang takbo ng kwento eh.Sorry sa mga hindi pa nakapanood huhuhu. Baka maudlot ang saya ninyo :(
Marami rin akong mga nagustuhan na pelikula gaya nang Lord of the Rings. Harry Potter, at mga pelikula ni Jodie Foster, Angelina Jolie, at Brad Pitt. Sa mga local films naman, magaling din ang Star Records ng ABS-CBN. Ok ang mga pinapalabas nilang movie. Marami naring mga magagaling na direktor na naglalabasan ngayon. :) Sana tuloy-tuloy na para manumbalik ang dating kinang nang Pelikulang Pilipino...
Pero napasin ko, grabe kamahal ang sine. Pwede mo nang ipambili ng pagkain sa hapunan yon ah! PhP 105 -PhP 110 cada tiket. Hayyy...pamahal na nang pamahal ang mga bilihin. Sabi nga nang servidora sa canteen sa work namen na si Ruby, "tumataas nang tumataas ang bilihin, panty nalang ang bumababa!" hehehe...sabagay tama sya...kaya lumolobo ang populasyon ng pinas eh dahil di na makaalis sa bahay ang mag-anak dahil sa mahal ng pamasahe...
Pero siguro gaganda rin ang buhay nating mga pinoy...nakikita ko naman na seryoso ang gobyerno (sana) na pagandahin ang buhay nateng mga pinoy at paramihin ang trabaho (daw). At sana ang mga hahabol na presidente/bise-presidente at mga senador sa susunod na eleksyon eh yung mga me utak at malasakit sa bansa, hindi yung hindi makapag concentrate sa trabaho dahil sa kaka shooting or something o kaya naman eh gagawa nga nang batas, na rereject lang dahil walang katuturan naman at para masabing meron silang ginagawa. Kahit saan ka pumunta, puro kurakot. Sa LTO lang, talamak ang kurakutan...Kelan kaya titino ang bansang Pinas?
Hay naku, nagiging serious na itong blog ko. Hindi ko pinlanong ganito to ah! :) wehehehe! Maligayang pagbabasa!
Saturday, August 2, 2008
Adik Ka Ba?
Feeling ko isa narin akong adik...adik sa kape hehehe! Ilang buwan narin kasi akong nagkakape. Parang ginawa kong libangan ang pagkakape. Para syang peklat na que hirap tanggalin!
Sa work ata, madaling makahagilap nang mapapagbisyuhan. I mean, ang daling matuto kung papano manigarilyo, uminom, at kung ano ano pa. Nakaka irita na nga dahil imbis na ma enjoy mo ang break time mo, lalanghap kalang ng mga nagyoyosi sa lobby.
Wala naman akong masamang tinapay sa mga nagyoyosi. Ang issue lang siguro eh ang pag dedesignate ng mga tamang lugar para dito. Pero kahit merong designated area, ang usok kumakalat so nasisinghot parin.
Siguro apektado lang ako dahil sa aking inang nagkasakit dahil sa paninigarilyo. Halos mabenta ko pati ang aking mga salumpuwit (LOL) para mabayaran lang ang bill ng mama ko sa hospital dahil sa kanyang sakit sa baga. Buti nalang at tumigil na sya sa kakasigarilyo (as of this moment) hehe. Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, tanging kalusugan nalang ang mabibigay mong pabor para sa sarili mo. Kaya sana sa mga kaibigan hinay-hinay lang sa pagsisigarilyo...
Napapansin ko, nagiging status symbol na ata ang pagsisigarilyo. Kapag nag yoyosi ka, sosyal ka. Kung nasa loob ka ng company at nasa posisyon ka, dapat marunong kang mag yosi hehehe. Pero hindi naman lahat. Meron din naman akong nakikitang hindi nagyoyosi. Siguro isa...hehe! Ikaw...oo ikaw...ikaw na nagbabasa...adik ka ba? =)
Friday, August 1, 2008
Namamagang Tonsils ng Isang Daking Call Center Agent
Marami narin akong mga naririnig-rinig na feedback na pangit tungkol sa trabaho ng mga call center agent. Me nabasa nga akong articulo dati sa pahayagang Manila Bulletin, na sinulat "ata" ni Sen. Edgardo Angara, na marami daw sa mga call center agent ang mabababa ang moral ngayon at nakakaranas nang matinding stress at depression.
Me nabalitaan ba kayo dati na me namatay na sa ganitong uri ng trabaho? Sa Maynila ata meron na. Na stress ata ang lolo mo at natigok (sumalangit nawa)...
Maganda naman sana sa call center, ang problema nga lang, sa dami ng phone calls minsan na walang puknat na halos dika na makahinga eh parang nakakaranas ka na ng hypertension at minsan depression...siguro hindi aayon ang mga iba na dahil ibat ibang departamento, at ibat-ibang posisyon, e iba naman ang exposure sa stress. pero ano nga ba ang choice natin kung ang tanging matinong work na maganda ang pasweldo sa Pilipinas eh ang pagiging dakilang call center agent lang?
Isa akong dating titser. Nagkamit ng diploma ng pagkatitser. halos mahigit kumulang na isang taon din akong nagturo at halos di ako makabili ng damit at matulungan man lang ang nanay ko na makabili ng mga bagay-bagay na kailangang gamitin sa bahay. Kulang pa nga sakin ang sweldo ko eh! hehehe.
Maniwala kayo at sa hindi, noong 2002 (pagkagraduate ko ng kolehiyo) nakakuha ako ng trabaho sa isang private school. Tumataginting na PhP 4,000 lang ang aking sweldo cada buwan! Pinagtiyagaan ko yun ng anim na buwan at umalis din ako. Bago pa yun, tumawag na ang ngayo'y pinagtatrabahuhan ko upang akoy mag trabaho bilang isang call center agent...Tinanggihan ko sila nung una. Sabi ko, mas kailangan kong pagyamanin ang aking kalinangan sa pagtuturo para naman maging instrumento ako ng kasigasigan ng mga mag-aaral na Pilipino. Pero nagsawa rin ako! Dahil yata sa naghihirap ako at puro mga bastos ang mga bata na akala mo eh kung sino nakuha ko atang nakalimutan ang aking sinumpaan na tungkulin bilang guro! Wehehehe! Sino ba naman kase ang makakatiis sa halos mahigit na isang libong sweldo lang kada kinsenas? Nagiging mareklamo ba ako non? :(..Palagay nyo?...Isa ba akong kahihiyan sa sinasabi nilang, "Bayan Muna, Bago Sarili"?
Nakita ko pala ang isang kaibigan nung minsan nang madalaw ako General Hospital (Ospital Ning Angeles) dito sa bayan namin. Na dengue kasi ang pinsan ni Dylan kaya dumalaw narin ako. Nabigla nalang ako ng makita ko ang isang kamag-aral noon sa kolehiyo. Natuwa naman ako at dahil sa halos limang taon na naming di pagkikita eh, doon lang pala kami magkakaalaman ng mga nakaraan hehehe.
Ayun, me sakit din ang anak nya at me typhoid fever daw. Naawa nga ako dahil kulang na kulang daw sila sa pera. Nataon pa naman na halos katatapos lang ng pagkakasakit ng nanay ko at wala rin ako, nabigyan ko lang sila ng kahit magkano lang. Enough to have their lunch siguro for the day. Natanong din nya ang trabaho ko at nagtanong kung meron pang opening sa kumpanya. Sabi ko meron...Ayun, nag decide naring mag call center at mag aaply na nga raw paglabas nang anak nya sa hospital.
Mahirap ang trabaho ng call center agent...Ang dami mong isasakripisyo...Kamukha nang expertise mo sa isang bagay, like yung specialization mo nung nag aaral kapa. Pero matututo ka naman sa mga ibang bagay kamukha na lamang nang pag-Iingles. :)...Ika nga, Nasasayo nalang kung magiging masaya ka...Pero para sakin, kung makakapag survive lang siguro ako sa pagtuturo at mabibili ko ng gamot ang aking ina sa kakarampot na sweldong nakukuha ko, magtuturo nalang ako...
Wednesday, July 30, 2008
Bagong Samsung TV!
Burn Out sa Work
Minsan naiisip kong umalis nalang sa trabaho kasi burn out na ako. Yung para bang wala ka nang ginawa araw2 kung hindi laklakin ang mga calls ng mga tao na puro me problema sa mundo! :( Lagi nalang reklamo dito, reklamo don...Nakakasawa!
Pagkatapos nag absent ako ng isang araw. Lunes. Yun bang maraming calls. Sigurado galit na naman ang boss ko...Yung para bang nag aapoy sa galit dahil kulang na naman ang mga agent at hindi makuha ang line adherence ng mga bwisit! :(
Pero sabi ko, hindi. Dapat nag eenjoy ako dahil absent ako at kebs ko lang sa kanila kung magalit sila! hehehe! Ayun, I turned on my computer para naman makalanghap ng magagandang impormasyon at makapag blog. Meron akong nakitang isang magandang site. Kinclick ko. Tapos me isang picture doon nang isang mamamayan sa Africa na halos wala nang makain dahil sa sobrang taghirap nila don. Parang nag flashback sa pagmumukha ko yung mga reklamo ko sa buhay...Ang dami daming mga taong walang mga trabaho tapos ako eto meron akong trabaho, marunong akong mag Ingles at nakag aral narin. Yung mga taong yun, halos kabaliktaran ko...
Makakapag isip karin minsan, no? Na maswerte pa pala tayo at marami pa tayong mga biyayang natatanggap sa buhay at me mga taong sobrang hirap ng buhay na talagang halos ikamatay na nila, o kaya minsan namamatay talaga. :(
Totoo nga pala yung sinasabi nilang, "namatay na dilat ang mata." Kapag pala namatay ang tao dahil sa trauma o labis na paghihirap o pagkagutom, talagang namamatay silang usually nakadilat ang mata. Dahil siguro sa stress...
Buti nalang me trabaho pa ako...Kahit halos mabingi na ako sa kakarining ng calls at matanggalan ng tonsils dahil sa kakasalita...Dapat siguro balewalain ko nalang kung ano ang nararamdaman ko ngayun...
Hayyy...bakit nga ba ganyan ang buhay...Ikaw naranasan mo nabang magtanong na kung ano ang kahulugan ng buhay mo dito sa mundo? Yung kung bakit ka nandito...Yung kung bakit me mundo at kung meron nga bang Dios?...Ang hirap sagutin no?...Lalo na kung alam mong wala naman talagang taong makakasagot nito...
Tuesday, July 29, 2008
Nakakainis na Internet Koneksyon!
Naisip ko lang mag post ng artikel na nakatagalog. Wala lang feel ko lng mag emote dahil ka nakakaasar na internet connection na hatid nang bwisit na Comclark na yan. Ewan ko ba. Hindi ko na nga binayaran eh. Pinutulan na ako ng connection nung minsan. Nagpakabit sana ako ng Smart Bro kaso wala silang signal samin. Halos makipag away pa ako ng sabihan akong 7 days bago nila i refund ang aking kaperahan!
Ayun, nagbalik loob ako sa Comclark at binayaran ang 2 months na pagkakautang ko sa kanila. Di rin ako nakalusot huhuhu! Kala ko magiging ok na dahil nagpakita akong nagtatampo ako sa kanila! LOL. Pero eto na naman sobrang bagal! nakakainis no?! Yung parang gusto mong bumuga ng apoy sa inis! :( Wala na atang reliable connection dito sa city namen. Ano kaya kung patayo nalang ako ng sarili kong Internet company? hehehe!
