Friday, August 1, 2008

Namamagang Tonsils ng Isang Daking Call Center Agent

Ilang araw nang maga ang tonsils ko. Masakit...Wala atang araw na hindi sumakit itong tonsil ko eh...napaghahalatang call center agent talaga ako hehehe...

Marami narin akong mga naririnig-rinig na feedback na pangit tungkol sa trabaho ng mga call center agent. Me nabasa nga akong articulo dati sa pahayagang Manila Bulletin, na sinulat "ata" ni Sen. Edgardo Angara, na marami daw sa mga call center agent ang mabababa ang moral ngayon at nakakaranas nang matinding stress at depression.

Me nabalitaan ba kayo dati na me namatay na sa ganitong uri ng trabaho? Sa Maynila ata meron na. Na stress ata ang lolo mo at natigok (sumalangit nawa)...

Maganda naman sana sa call center, ang problema nga lang, sa dami ng phone calls minsan na walang puknat na halos dika na makahinga eh parang nakakaranas ka na ng hypertension at minsan depression...siguro hindi aayon ang mga iba na dahil ibat ibang departamento, at ibat-ibang posisyon, e iba naman ang exposure sa stress. pero ano nga ba ang choice natin kung ang tanging matinong work na maganda ang pasweldo sa Pilipinas eh ang pagiging dakilang call center agent lang?

Isa akong dating titser. Nagkamit ng diploma ng pagkatitser. halos mahigit kumulang na isang taon din akong nagturo at halos di ako makabili ng damit at matulungan man lang ang nanay ko na makabili ng mga bagay-bagay na kailangang gamitin sa bahay. Kulang pa nga sakin ang sweldo ko eh! hehehe.

Maniwala kayo at sa hindi, noong 2002 (pagkagraduate ko ng kolehiyo) nakakuha ako ng trabaho sa isang private school. Tumataginting na PhP 4,000 lang ang aking sweldo cada buwan! Pinagtiyagaan ko yun ng anim na buwan at umalis din ako. Bago pa yun, tumawag na ang ngayo'y pinagtatrabahuhan ko upang akoy mag trabaho bilang isang call center agent...Tinanggihan ko sila nung una. Sabi ko, mas kailangan kong pagyamanin ang aking kalinangan sa pagtuturo para naman maging instrumento ako ng kasigasigan ng mga mag-aaral na Pilipino. Pero nagsawa rin ako! Dahil yata sa naghihirap ako at puro mga bastos ang mga bata na akala mo eh kung sino nakuha ko atang nakalimutan ang aking sinumpaan na tungkulin bilang guro! Wehehehe! Sino ba naman kase ang makakatiis sa halos mahigit na isang libong sweldo lang kada kinsenas? Nagiging mareklamo ba ako non? :(..Palagay nyo?...Isa ba akong kahihiyan sa sinasabi nilang, "Bayan Muna, Bago Sarili"?

Nakita ko pala ang isang kaibigan nung minsan nang madalaw ako General Hospital (Ospital Ning Angeles) dito sa bayan namin. Na dengue kasi ang pinsan ni Dylan kaya dumalaw narin ako. Nabigla nalang ako ng makita ko ang isang kamag-aral noon sa kolehiyo. Natuwa naman ako at dahil sa halos limang taon na naming di pagkikita eh, doon lang pala kami magkakaalaman ng mga nakaraan hehehe.

Ayun, me sakit din ang anak nya at me typhoid fever daw. Naawa nga ako dahil kulang na kulang daw sila sa pera. Nataon pa naman na halos katatapos lang ng pagkakasakit ng nanay ko at wala rin ako, nabigyan ko lang sila ng kahit magkano lang. Enough to have their lunch siguro for the day. Natanong din nya ang trabaho ko at nagtanong kung meron pang opening sa kumpanya. Sabi ko meron...Ayun, nag decide naring mag call center at mag aaply na nga raw paglabas nang anak nya sa hospital.

Mahirap ang trabaho ng call center agent...Ang dami mong isasakripisyo...Kamukha nang expertise mo sa isang bagay, like yung specialization mo nung nag aaral kapa. Pero matututo ka naman sa mga ibang bagay kamukha na lamang nang pag-Iingles. :)...Ika nga, Nasasayo nalang kung magiging masaya ka...Pero para sakin, kung makakapag survive lang siguro ako sa pagtuturo at mabibili ko ng gamot ang aking ina sa kakarampot na sweldong nakukuha ko, magtuturo nalang ako...

No comments: