Wednesday, July 30, 2008

Bagong Samsung TV!

Kahapon pala bumili ako ng Samsung TV na 21 inches ata ang laki ng screen. Di ko alam eh basta binili ko nalang. Pano naman kasi, nagbubwisit ang nanay ko dahil sira na ang TV namin at walang sound. At dahil siguru dala narin ng awa, nakabili ako ng TV kahit kulang na ang budget ko for a week. Kaya kapag humingi ng budget mama ko nyan sa pagkain, ipapangatngat ko nalang ang tv sa kanila ng sabay-sabay! hahaha! kidding.



Well, yun, nakabili nga ako ng TV sa SM kahapon. Halos di magkamayaw ang tao sa kakawithdraw na kaperahan! Pang sampu ako sa mga nag wiwithdraw kahapon at mataman akong naghintay dahil gusto ko nga bilhin na ang TV ng aking minamahal na ina. Sa wakas ako na! Todo withdraw ako. Nung kasing umaga nag withdraw na ako ng 15k kasi nga me binayaran ako. Mega hintay ako sa paglabas ng pera, tapos it turns out na maximum limit na pala ang withdrawal ko for a day! Gusto ko basagin yung monitor ng ATM sa kabwisitan! Huhuhu! Pumili kaya ako don nang pagkatagal-tagal!

Well, since kasama ko naman ang lolo Dylan ninyo eh humiram muna ako ng pera sa kanya para ibayad sa TV at DVD na binili ko. Sosyal, kami nalang ata ang mamamayang pinoy na walang DVD! wahahaha! Sa wakas natuwa naman ang mama ko at halos mahulog ang natitirang mga ngipin nya sa harapan sa tuwa! Siempre salamat sa akin, na pinakamamahal nyang anak! (pero favorite nya ang kuya ko give her a chance! hmpt!)

Napansin ko maganda pala ang mga TV ng Samsung, ok sila. Maganda ang picture quality at maganda rin ang sound. Stereo something daw sabi ng isang promodiser sa SM Appliance. Di ko na masyado tinanong kasi basta makabili lang ako ng TV, ok na sakin. :)

Ayun, mega assemble kami pagdating sa bahay at nasetup na ang TV. Natulog na ako pagkatapos. Ayun, nagising ako sa ingay kanina lang! Nataranta ako dahil ang daming tao sa amin! Ang rason naman pala eh pinagmamayabang na nang mama ko ang bagong TV hahaha! Ganon yata tayong mga Pinoy no? Lalo na kapag nasa probinsya ka hehehe. Pero carry lang. Natuwa naman ako at kahit hindi ako favorite ng nanay ko eh na aaprecite naman nya ang mga ginagawa ko. Yun nga lang, utang yong pinambili ko ng TVng yon!! hahaha!

4 comments:

dylan said...

so dapat kasali talaga ako sa eksena? hehehe.. natawa naman ako sa post na to! :)

dylan
http://picturesnmore.blogspot.com/

nahj12 said...

ayos.. naks.. nice tv.. arbor.. lolz.. yung kidlat.. iwasan. .hahhaa

nahj12 said...

wow.. dylan.. pautang din.. hahaha

Jules said...

hehehe. :D