Monday, August 4, 2008

Isep-Isep nang Malalim

Sa isang blog ko, nalagay ko ang mga hinanakit ko sa buhay ko...Ok lang? Kasi blog ko to so dapat ok lang din sa inyo hehehe. Joke lang. Kasi ganito yun...

Nawawalan narin kasi ako ng gana sa trabaho. Ewan ko ba. Siguro naaapektuhan narin ako ng mga taong nag reresign sa work. Masisisi ba nila ako kung nawawalan narin ako ng gana? Ang dami kasing mga bagay-bagay na nangyayari sa work na nakakawalang gana. Yun para bang ang mga taong nasa posisyon nalang ang mga masasaya. Pano naman ang mga pagod na frontliners na kamukha namin? Ganun talaga siguro ang mundo. Apakan nalang ang nangyayari.

Habang sinusulat ko ito, maga ang mga tonsils ko. Nung Sabado nga halos di na ako makapagsalita sa sakit. Hindi rin ako sigurado kung makakapasok ako mamayang gabi. Pero iisipin ko nalang na maliit lang makukuha ko sa susunod na kinsenas para ma motivate akong pumasok hehehe.

Kapag nasa telefono ako, ginagawa ko lahat ang kaya ko para hindi maapektuhan nang mga taong tumatawag. Kahit murahin ako ng murahin sa telefono, ok lang. :) Hindi naman nila ako nakikita eh, so ok lang din. Pero me mga pagkakataon talaga na di mo maiwasan na sumagot narin ng pabalang.

Me tumawag. Nagtanong agad. Sabi, "Angel! (Pangalan ko sa Telefono, naks!), where are you located?!". Hala, away ito. Sabi ko naman, "Sir, I am located here in the Philippines. But how can I help you?" sabi ko. Sagot ba naman sakin ng walanghiya, "What are you doing in an American Company!!!" Halos mahilo ako sa sagot ng hudas na matandang yon! Ayun, sunod-sunod na ang litanya ng lolo mo! Hindi ako makasingit! Pinabayaan ko nalang syang dumaldal nang dumaldal. Sige, ako pakinig nalang nang pakinig sa mga reklamo nya sa buhay...

Nang hindi na nya ako marining (kasi naka mute ako at pinikit ng konti ang aking mga mata hehe, matulog ba lol) nagtanong na naman ang lolo mo, "Angel, are you stil there?!""Yes, Sir,"sagot ko. "Then why are you not speaking! How many people are working there in your company?! What kind of food you people eat there in the Philippines?! What kind of environment do you have there in your country?! Do you know what's happening to America?!, "lintya ulit ng lolo nyo.

Nagpanting ang tenga ko, "Sir, I am trained to discuss issues with your billing. I wasn't speaking because I was listening to your angst and I must say that I do not appreciate your arrogance!," sabat ko. "Oh, really?! You don't appreciate it?!", "Yes!", sabay taas narin ng boses.

Nagtuloy-tuloy parin ang lolo mo sa pagkukutya sa lahi naten so pinabayaan ko lang sya hanggat sa nag hung up nalang ang bwisit! Pagkatapos non, ginawa ko namang shock-absorber ang mga kasama ko at ako naman ang kumatak nang kumatak (eh di nakabawi ako hehe). Bwisit kasi ang mga ibang lahi eh. Ano ba ang problema kung ibang lahi ang tumutulong at sumasagot sa mga calls nila? Eh sila itong ayaw nang ganitong trabaho, tapos ngayun tayo ang nag tatrabaho nagrereklamo sila? Nakakabwisit diba?

Kapag naaalala ko ang ma ganyang mga tawag eh sumasakit tuloy ulo ko. Bakit kasi me mga tao na hindi nila nirerespeto ang diversidad, ang pagkakaiba-iba nang tao. Doon lang naman tayo natututo eh. Akala ba nang mga banyagang yan eh magsusurvive sila kung wala ang mga karatig bansa nila?

Gayunpaman, kakaunti lang naman ang mga banyagang ganon (kaunti daw), at halos mga kulang sa edukasyon lang ang mga taong nagwawala nang ganon. Na realize ko na kahit nagsasalita ka lang at sumasagot sa telefono, napakahirap palang trabaho. Dapat mong i adjust ang personalidad mo para maiangkop sa personalidad nang taong tumatawag.

Dumarami na talaga ang mga call centers dito sa pinas. Ang pangit nga lang, underpaid halos ang mga tao dito kaya naiisipan naring mangibang bansa. Parehong trabaho, magandang kita. Ewan ko...Pera lang ba ang dahilan kung bakit tayo mangingibang bansa? Sa palagay ko, baka magiging isa narin ako sa mga taong malapit nang maniwala sa ganong idolohiya...

1 comment:

Kris Canimo said...

big NO. ive been to call centers before. san ka pa ba makakakita ng trabaho na minimal ang maneuvers at napakalaki ng sahod? wala na diba. for now, maybe tiis muna. ganyan tlaga. although wala tlagang growth sa cc. tsk, thats the price we have to pay.

dont despair. maging self righteous na lang tayo. kailangan tayo ng pinas :)