Tuesday, August 5, 2008

Kung Me Problema Ka, Solusyonan Mo!

Pumunta pala ako sa ospital kanina. Pinatingin ko na ang namamaga kong mga tonsils baka kasi napano na ako dahil sobrang sakit na talaga sila. So mega rampa ang lolo nyo sa ospital. Pagdating ko sa ospital, nagpag lista na ako sa isang staff sa HMO sa Angeles University Foundation (AUF) para magpakonsulta sa isang espesyalista nila para matingnan na ang aking lalamunan. "Wala pa ang doctora," sabi nung isang staff na halos malaglag na sa lupa ang baba nya sa sobrang simangot. Naghintay ako. Di ako nakatiis, kumain muna ako sa McDonalds habang hinihintay ang doctora.

julio@rumpa by Dylan

Makaraan ang 30 minuto, bumalik ako. Sabi nung nurse parating na raw ang doctora. Natuwa naman ako dahil makakauwi ako agad. Pagdating nang doctora, me pinauna muna. Pinabayaan ko. Makailang sandali pa, ako na. Pagkaupong pagkaupo ko palang, binuka ko na ang bibig ko. "Di ka naman masyadong excited no?" sabi nang doctora. "Ay sorry po. Kala ko po kasi ipapasok nyo na yang parang lighter na yan sa bibig ko. Tinetesting nyo lang pala hehe", sabay lusot. Parang naangasan ako pero sige lang. Pinabayaan ko.

Tanong sya nang tanong. Sagot naman ako ng sagot. Kinuwento ko nalang kung kelan ko pa naramdaman ang sakit nang aking lalamunan. Sabi ko, noon pang Huwebes nang gabi. Tapos examen sya nang examen sa aking likod. Ok naman daw ako so far ang kaso nga lang namamaga talaga ang aking lalamunan at me nakita na syang infections kaya kailangan ko nang mag antibiotic.

Nakiusap akong pagpahingahin muna ako kahit na 2 days lang. Ang sabi ba naman, "You look healthy naman so bakit kailangan pa nang dalawang araw? 1 is ok but 2 days is too much". Gusto kong himatayin sa pagka prangka nang lola nyo! Gusto kong isaksak ang mata nya sa lalamunan ko para makita at maramdaman nya kung gaano kasakit magkaroon nang tonsilitis! Pero kahit ganon pa man eh pinabayaan ko lang. Baka kako magbago nang isip. Mega paliwanang ako pero ayaw talagang mag give in. Sabi ko, "Ok lang doc. Ok na ang 1 day".

Nagtanong pa ako, "doc, di ako makatulog ng maayos for the past few days. Ano kaya ang mga pwede nyong ipayo saken? Like yung pwedeng inumin na gamot?" Sumagot sya, "ano ba ang mga stressors mo? Me problema ka sa pera, sa girlfriend (so dapat magmura tayo ganon?!), pamilya, trabaho, ano? Maraming mga reasons bakit di ka makatulog. Gusto mo nang gamot sa di mo pagtulog? Solusyonan mo."

Halos mangisay ako sa banat na naman nya! So dapat alam pa nya sakin no! "Kung iniisip mo naman na bibigyan kita nang pampatulog eh, hindi mangyayari yon. Sa mga pasyente namin, di namin inaadvise na uminom sila nang pampatulog. Mas mahihirapan ka." Kung meron kang problema sa pera, mag trabaho ka. Kung meron kang problema sa lovelife, maghanap ka. Yun lang naman ang solusyon dyan para makatulog ka nang maayos." Halos mangisay na ako sa banat nya ng mga litanya nya.

Pero naisip ko, meron din syang punto sa mga sinabi nya. Minsan dumedepende tayo sa mga gamot pero hindi naman sila umeepekto dahil wala naman talaga tayong nararamdaman sa katawan, kundi pawang mga sikolohikal na karamdaman lamang. Mind over matter ika nga. The more we think na meron tayong sakit, doon natin sila nararamdaman. Kamukha nalang nang diko pagkatulog nang maayos. Marami akong iniisip. Marami akong takot na di ko maalis-alis na nagiging dahilan para di ako makatulog nang maayos.

Pero buti naman at kahit paano ay natauhan ako sa sinabi nang doctorang yon. Sa totoo lang, minsan dapat ka lang maging bukas sa mga sinasabi nang iba para matuto ka. Kung pananatilihin nating sarado ang isipan sa kung ano ang pananaw nang iba, hindi tayo kailanman magiging matagumpay sa mga bagay na gusto nating gawin at mangyari...

2 comments:

nahj12 said...

ganun pala yon? mind over matter? lol

Len said...

owow kahit pala medyo bonggang bonggang mag sermon si doc, she makes sense naman...pero sana mu binye na ne ing additional one day a rest neh? heheh!!! :)